Friday, July 22, 2011

Ang saya ko ngayon! :)

Hello nga pala! Sa ngayon, hindi ko muna ipapakilala ang sarili ko. Secret muna!

Ang saya kanina! Una sa lahat, birthday ni Mangilin! Tapos, wala si Ms. Uy! Kaya todo asaran kami kanina nung wala siya. Si Lenard kasi, mukhang biik daw, at kuya daw niya si Bartolo na tumatakbo bilang Secretary ng Like Party. Hindi naman siguro sila mukhang related, kaya lang, parehas na mataba eh! Kaya kailangan ng algebra sa kanilang pagpapayat. Kumain sila ng gulay, hindi puro baboy! Kaya nagmumukhang baboy eh!

Tapos, si Ms. Palma, ang pinakamamahal naming guro, siya ang pinakamabait, pinakamaganda, at pinakamagaling magturo! Pinagawa ba naman kami ng essay na naglalaman ng 10 linking verb, 10 transitive verb at 10 intransitive verb! Ang dali no! SOBRANG DALI halos tumae ka na ng tubol sa classroom at gawin mong Ice Cream dahil nagdudugo na ang ilong mo sa English.

Sa kasamaang palad, iba sa amin ay huling pinauwi (kasali ako dun) dahil sa sobrang ingay ng mga bunganga namin. Lalong umingay at nagtawanan ang mga kaklase ko ng sabihan niya ang kaklase kong mukhang sunog na tipaklong ng "OH MY GOD YOU LOOK LIKE YOUR DYING!". Sinabayan pa nitong sunog na tipaklong ng pikit na mata at humilata pa sa upuan niya, kulang na lang bangaw at mukha na talaga siyang bangkay.

Sige, sa susunod na lang. Wag niyo kalimutan mag-sipilyo at baka bumaho ang hininga niyo pati ang lola niyo mamatay-matay sa patay na amoy ng ngala-ngala mo. Wag mo din kalimutan maghugas ng pwet pagkatapos tumae. Lalong-lalo na kapag pururot ang tae mo o kaya sabog dahil baka nasa singit mo lang pala tae mo hindi mo pa makita. At lalong-lalo na, wag mong kakalimutan kumain at baka tumulad ka sa bangkay naming kaklase. :)